Entertainment and Leisure

Gov. Remulla, muling namahagi ng Scholarship Assistance

   
   PICAD2013-20Upang isulong ang adbokasiya sa pagpapahusay ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite at patuloy na mahikayat ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, muling namigay ng tulong pinansyal sa mga iskolar ang pamahalaang panlalawigan kamakailan sa pamumuno ni Gob. Jonvic Remulla. Ang adhikaing ito ay bahagi ng mahusay na pamamahala upang matutukan ang edukasyon ng mga kabataang kabitenyo.

   Sa kasalukuyan, may kabuuang halagang Php42,695,000 na ang naipamigay sa mahigit limang libong  mag-aaral sa loob ng tatlong taong pamumuno ng gobernador sa pakikipagtulungan ni dating Vice Mayor Alvin Mojica na siyang namumuno sa Provincial Scholarship Program ng lalawigan.

PICAD2013-21

   Noong taong 2011,  may 3,600 ang nabigyan ng scholarship assistance sa unang semestre na nagkakahalaga ng 18 milyong piso at 1000 estudyante naman sa ikalawang semestre na katumbas ay limang milyong pisong halaga ng tulong pinansyal. Bawat iskolar ay tumatanggap ng tig-limang libong piso kada semestre.PICAD2013-22 

   Taong 2012 naman, 1,110 mag aaral ang nabigyan ng tulong pinansyal noong unang semester katumbas ng halagang 5,550,000 at 1,800 mag aaral o siyam na milyong pisong halaga para sa ikalawang semester.  Noong ika-27 ng Hulyo, 2013, namahagi sa 1,029 estudyante ng tulong pang edukasyon si Gob. Remulla na nagkakahalaga ng 5,145,000 piso.

   Patunay ito ng pagbibigay prayoridad ng pamahalaang panlalawigan sa edukasyon ng mga kabataang nagsisikap upang makatapos ng kanilang pag aaral. Ang halaga na kanilang nakukuha kada semestre ay nakatutulong pandagdag gastos sa kanilang pangangailangan bilang estudyante. Sa ganitong pamamaraan, nagsisikap na makakuha ng matataas na marka ang mga mag-aaral upang makapasok sa kwalipikasyon ng scholarship committee. PICAD2013-19PICAD2013-17

   Inaasahang sa mga susunod na taon, mas madaragdagan ang mga estudyanteng mabibiyayaan sa ilalim ng scholarship program. Kaugnay nito, sinisikap ng pamahalaang panlalawigan na mas mapataas ang alokasyon para sa programa sapagkat hindi nawawala sa prayoridad ng gobernador ang kapakanan ng mga kabataang Kabitenyo lalo na ang edukasyon ng mga ito.

First Class, World Class

  • ISO CERTIFICATION LOGO
    The First ISO 9001:2008 Certified Provincial Government in the Philippines. ISO 9001:2008 is a set of standards and requirements for the development of a quality management system commonly applied by private corporations and organizations to help ensure that the needs and expectations of customers are adequately and consistently met. These standards also enable organizations to develop mechanisms for continual improvement of products and services.
     
  • sealofgoodhousekeeping NEW
    The good housekeeping seal is given to LGUs that excelled in the areas of planning, budgeting, revenue, mobilization, financial management, budget execution, procurement and resource mobilization. It also recognizes local governments that accord primacy to the principles of transparency and accountability. Recipients of the award also received one million pesos each from the DILG’s Performance Challenge Fund (PCF).
  • TROPHY-small
    Cavite was also hailed as one of the Regional Gawad Pamana ng Lahi 2011 Awardee – Provincial Category.  Exemplary performance information is drawn from the database of the on-line LGPMS, Seal of Good Housekeeping, International Organization or National Government Agency-bestowed awards and acknowledged innovations.

Contact Us

   Address:         Provincial Capitol Building 
                        Trece Martires City, Cavite
                        4109 Cavite Philippines 

  Telephone:     +63 46 419-2311
  Email:            [email protected]

   Web Admin:   Provincial ICT Web
                        Administrator

   Telephone :    + 63 46 419-0157
   Email:            [email protected]

  • alfonso amadeo bacoor carmona cavite-city dasma gea gentri gma imus indang kawit magallanes maragondon mendez naic noveleta rosario silang tagaytay Tanza ternate trece
  • PGC Facebook Page Sangguniang Panlalawigan Facebook Page tourism pgcops picad rsd mnd ccl pcledo
  • govph senate congress coa dilg civil-service pnp ndrrmc dost-pagasa gsis sss philhealth bank-sentral