PPO trained SSG Officers conducted AHYDP Seminar to 40 fellow students
The Supreme Student Government (SSG) officers of Trece Martires City National High School (TMCNHS launched their Adolescent Health and Youth Development (AHYD) Seminar on March 12-13, 2013 which was attended by 40 selected TMCNHS students. The aim of the seminar is to apply the concepts and principles adopted from the AHYDP Training of Trainers initiated by Provincial Population Office last November 29, 2012 at the ISO Conference Room at the Cavite Provincial Capitol, which was attended by two SSG officers and one SSG adviser from six public secondary schools - Malabag National High School, Alfonso National High School, Gen. Vito Belarmino National High School, Gov. Ferrer Memorial National High School, Gen. Mariano Alvarez Technical High School, and TMCNHS.
Luis Antonio Cardinal Tagle nanguna sa paglagda ng isang kasunduan para sa maayos na halalan sa Cavite. Cong. Ayong Maliksi, hindi sumipot.
Pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglagda sa isang kasunduan para sa maayos na halalan sa Cavite. Ayon kay Tagle, may aral na mapupulot ang mga pulitiko sa nagdaang conclave. Pero nagka-tensyon sa pagtitipon dahil sa hindi pagsipot ni gubernatorial candidate Ayong Maliksi.
Inimbitahan ng isang grupo Cavite People’s Advocacy for Good Governance si Luis Antonio Cardinal Tagle ang dating Obispo ng Imus, Cavite. Naniniwala ang grupo na malaki ang maitutulong nya sa panunumbalik ng kapayapaan sa Cavite tuwing eleksyon.
Dumating ang pamilya Remulla na pinangungunahan ni Governor Jonvic Remulla kasama si Congressman candidate Gilbert Remulla, Vice Governor candidate Jolo Revilla, ang mga miyembro ng grupong simbahan, maging ang mga kaalyado ng mga grupo gaya ng Bayan at Anak Pawis. Pero walang sumipot sa pamilya o kapartido ni gubernatorial candidate Ayong Maliksi tanging kinatawan lang nya ang dumating. Ayon kay Arnel Arandia, ang Deputy Campaign Manager ni Ayong Maliksi, ay walang natanggap na pormal na imbitasyon. Pero galit syang sinagot ng organizer na si Axel Pinpin ng CPAGG, na Huwebes pa lang ay ipinabot na ang imbitasyon kay Mayor Nonong Ricafrente na kapartido ni Cong. Ayong Maliksi. Ayon pa kay Axel Pinpin ay hindi ito isang carnival na kagaya ng iniisip ng partido Maliksi at hindi official ang pag-represent ni Mr. Arandia. At nakiusap si Mr. Pinpin na huwag naman sana ganon ang pakikitungo nito.













